Triggrd! podcast, pasok sa Spotify RADAR Creators PH 2026

Pasok na sa Spotify RADAR Creators Philippines 2026 ang Kapuso podcast na "Triggrd!". Ang show na ito, na pinangungunahan nina Sean Lucas, Thea Astley, Cheska Fausto, Vince Maristela, at Jeff Moses, ay isa sa mga napiling podcasts para sa ikalawang taon ng programa.
Grabe ang gratitude ng mga hosts sa pagkakataong ito. Sabi ni Cheska, dati raw pangarap lang nila magsimula ng podcast habang tumatambay, pero ngayon ay part na sila ng something big. Aminado naman si Sean na may pressure na kasama habang lumalaki ang kanilang platform at audience, pero emphasize niya na dapat manatili silang genuine dahil 'yun ang special sa "Trggrd!".
Hindi rin daw expect ni Thea na makukuha nila ang recognition na ito mula sa Spotify. Para naman kay Jeff, happy sila na mas lumalawak ang naaabot nilang listeners at viewers online. Ang "Triggrd!" ay isang free-wheeling at no holds-barred na podcast kung saan tinatalakay ang mga topics na nagti-trigger sa current generation. Produced ito ng ATM (Adventure. Taste. Moments) sa ilalim ng GMA Network.
Para sa mga hindi pa familiar, ang Spotify RADAR Creators PH ay nagsimula noong 2025 para suportahan ang mga podcasters through marketing, editorial, and promotional support. Kasama sa first cohort noon sina Kuya Kim Atienza para sa "Ano Ba Talaga?", pati na rin sina Buboy Villar at Charis Solomon para sa "Your Honor".
Kasamang pasok ng "Triggrd!" ngayong 2026 ang "Almost Honest with Kylie Verzosa," "KadaKwento Podcast," "Unsa'y Cheka Sa Parlor," at "Panaghoy: Mga Kwentong Kababalaghang Nakaukit Sa Kasaysayan".
Sana all may ganitong level ng support from Spotify, 'no?
