ABS-CBN Music at Filipino Music Awards 2026: BINI at Regine Velasquez-Alcasid, wagi!

Hakot awards na naman! ABS-CBN Music ang tinanghal na Music Company of the Year sa Filipino Music Awards 2026. Pero hindi lang sila ang nag-shine dahil daming Kapamilya artists ang naiuwi ang top honors.
Siyempre, hindi mawawala ang BINI na isa sa biggest winners ng gabi. Nakuha nila ang Artist of the Year at Tour of the Year para sa kanilang Signals World Tour. Deserve na deserve dahil sa global impact nila, mula sa Coachella at Summer Sonic debuts hanggang sa pag-record ng kantang A Parallel World para sa pelikulang Forgotten Island.
Si Regine Velasquez-Alcasid naman ay nakatanggap ng Lifetime Achievement Award. Isang pagkilala ito sa kanyang body of work at legacy sa Philippine music sa loob ng maraming dekada. Talagang icon level na!
Hindi rin nagpahuli si Maki na naiuwi ang Album of the Year para sa “KOLORCOASTER.” Ang 10-track record na ito sa ilalim ng Tarsier Records ay naglalaman ng mga hit song niya.
Sa second edition pa lang ng Filipino Music Awards, kitang-kita na ang layunin nitong i-celebrate ang creativity at excellence ng OPM. Sino kaya ang susunod na mag-dominate sa listahan?
